ITINALAGA si Lt. Col. Francel Margareth Padilla bilang kauna-unahang tagapagsalitang babae sa 88-taong kasaysayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Inianunsyo ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang paghirang kay Padilla bilang kapalit ni Col. Medel Aguilar sa isang press briefing kahapon.
Nabatid na may malawak na karanasan si Padilla sa information systems management division.
Kinilala siya bilang 2023 Cybersecurity Woman Leader.
Parehong babae na ang tagapagsalita ng security sector ng bansa, sa Philippine National Police (PNP) ay si P/Col/ Jean Fajardo na itinalagang spokesperson noong Enero 2022. (ZIA LUNA)