Fri. Feb 13th, 2026

Nanawagan ang Communist Party of the Philippines sa mga karaniwang sundalo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag manahimik at ilantad ang katiwalian ng kanilang mga pinuno.

Naniniwala ang CPP na may mga opisyal ng AFP na nakikinabang sa kickbacks mula sa “corruption-ridden surrender and reintegration drive.”

Iniulat ng AFP  na mula Enero 1 hanggang Nobyembre 13 ay umabot na sa 1,631 rebelde at sympathizers ang na-“neutralize.” Pero ayon sa CPP, hindi rebelde ang tunay na target kundi ang pondo.

“Magkano ang nakukubra ng mga heneral at opisyal ng AFP sa bawat ‘rebelde’ na kanilang sinasabing na-‘neutralize’?” tanong ni CPP Chief Information Officer Marco Valbuena sa kalatas na ipinadala sa media.

Sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ay ₱60,000 hanggang ₱80,000 ang nakalaan sa bawat “surrenderee,” ngunit ayon sa CPP ay  ilang kilo lang ng bigas at ilang lata ng sardinas ang naipamimigay sa photo-op ng AFP.

“We can only surmise that a large share of these funds are pocketed by AFP officers… The bigger the number, the bigger kickbacks for AFP leadership,*” dagdag pa ni Valbuena.

“Additionally, AFP officials receive kickbacks from “reward money” earned for killing or capturing supposed high-ranking NPA officers and commanders,” dagdag niya.

Hindi lang umano sa pekeng “surrender drive” nakikinabang ang AFP leadership.

Binanggit ng CPP ang kurakot sa imprastruktura, modernization program, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) projects, amnesty program, at maging sa “unprogrammed budget” na aprubado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

*Habang nabubunyag ang bulok na burukrata-kapitalistang sistema, hindi na nakapagtataka ang mabahong amoy na nagmumula sa mga opisyal ng militar,” ani Valbuena.  (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *