Sun. Oct 6th, 2024

MAY kakaibang kakapalan talaga ng mukha ang isang opisyal ng Palasyo na sagad ang pagsasamantala para pakinabangan ng husto ang kanyang puwesto sa gobyerno.

Nagpapatayo umano ng bahay sa isang siyudad sa southern Metro Manila ang Palace exec, na tinatawag na Garapatang Busog ng mga empleyado, at lahat ng resources ng tanggapan na kanyang pinamumunuan ay todo niyang ginagamit para rito.

“Mga sasakyan, krudo, mga empleyado para sa dream house ni Garapatang Busog sagot ng pera ng bayan,” opening salvo ng gigil na Primera Chismosa sa San Miguel, Manila.

Mahihilo raw ang mga tagatuos ng kaban ng bayan sa tambak na sobrang gastos ng opisina ni Garapatang Busog.

“Kung ang mga obrero ay hirap na makapasok sa trabaho at makauwi sa bahay, hindi ang mga tauhan na gumagawa sa kanyang dream house dahil hatid sundo sila ng mga sasakyan ng gobyerno,” dagdag na chika ng miron.

Iba pa raw ito sa paghahatid-sundo rin sa mga miyembro ng pamilya ni Garapatang Busog.

Ang sidekick daw ni Garapatang Busog ay pumapapel na “project engineer’ sa construction ng dream house para makasipsip ng husto at palaging May pakinabang.

“Hindi pa sila nakuntento na ginagawa nilang travel agency ang opisina at lahat ng biyahe ng Bossing ng Bayan Mo ay kabuntot sila,” anas ng Primera Chismosa.

Piki-mata na lang raw ang mga dismayadong kawani ng Palasyo sa pagmamalabis ni Garapatang Busog sa takot na mapag-initan sila kapag umalma dahil “bagyo” raw ito sa “Conjugal Dictatorship.”

Kaya naman pati ang paglalagay sa pangalan ni Garapatang Busog ng sasakyang donasyon sa kanilang tanggapan ay hindi nila masita.

CLUE:

Maraming palpak sa trabaho si Garapatang Busog pero hindi nababalita kaya’t hindi siya sinisibak at ang kanyang pamato ay ang jowa niyang nakadikit sa “influential lady” sa Palasyo.

“In fairness, baka hindi alam ni Madame na ang kanyang utusan ay parang langaw na mas mataas pa sa kalabaw,” sabat ng isa pang miron na gusto yatang makarating sa Paris, France kapag nagpa-raffle ng biyahe.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *