š·: Sinumpaan nina dating Sen. Antonio Trillanes Iv at mga miyembro ng grupong The Silent Majority ang inihaing reklamo laban kay VP Sara Duterte sa Ombudsman. (Sonny Trillanes | X)
Sinampahan ng plunder, malversation, at graft complaints si Vice President Sara Duterte sa Office of the Ombudsman ngayong Miyerkules ng dating Senador Antonio Trillanes IV at isang civil society group, kaugnay ng umanoāy mga iregularidad sa kanyang panunungkulan bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at alkalde ng Davao City.
Ayon kay Jocelyn Acosta, founder ng Silent Majority movement, āPinapakita ng complaint na ito na una, ang kabuuang halaga ng mga nilimas o winaldas ni Sara Duterte ay maihahanay sa mga pinakamalalaking flood control scandal. Kaya karapat dapat na bigyan ito ng parehong pagsusuri.ā
Batay sa 41-pahinang reklamo, binanggit ang ā±650 milyon na confidential at intelligence funds (CIF) na inilaan sa Office of the Vice President (OVP) at DepEd noong 2023. Kasama rin dito ang umanoāy ā±8 bilyon na overpriced laptops sa ilalim ng DepEd Computerization Program, ā±12.3 bilyon na disallowances, at ā±7 bilyon na unliquidated cash advances sa panahon ni Duterte bilang education secretary.
Dagdag pa rito, tinukoy ng reklamo ang ulat ng Commission on Audit (COA) na gumamit ang Davao City ng mahigit ā±2.735 bilyon na confidential funds mula 2010 hanggang 2022 sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.
Sinabi ni Trillanes na nakabatay ang mga reklamo sa sinumpaang salaysay ni Ramil Madriaga, dating aide ni Duterte at founder ng Inday Sara Duterte Is My President (ISIP Pilipinas).
Ayon kay Madriaga, naghatid siya ng malalaking halaga ng pera mula sa confidential funds ni Duterte sa ibaāt ibang indibidwal sa utos umano ng Bise Presidente. Si Madriaga ay nakakulong mula 2023 dahil sa kasong kidnapping na nakabinbin sa Manila RTC Branch 21.
Inakusahan din ng mga complainant si Duterte ng bribery, at sinabing tumanggap umano siya ng pera mula sa isang drug lord nang ilang ulit habang alkalde ng Davao, batay sa pahayag ni Madriaga na ang ISIP Pilipinas ay pinondohan ng kita mula sa Philippine offshore gaming operators (POGO) at drug dealers.
āDISTURBED, DERANGED AND UNHINGED STATE OF MINDāĀ
Tinukoy din sa reklamo ang kontrobersyal na pahayag ni Duterte hinggil sa umanoāy assassin na nakakontrata para patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang First Lady, at dating House Speaker kung siya ay mapatay.
Ayon sa reklamo, ito ay patunay ng kanyang ādisturbed, deranged, and unhingedā na pag-iisip.
Dagdag pa ng reklamo, ang āadamant refusalā ni Duterte na sumagot sa mga tanong sa House budget hearings ay dapat ituring na culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.
Hinimok ng mga complainant ang Ombudsman na imbestigahan si Duterte para sa posibleng criminal prosecution at irekomenda ang pagsasagawa ng impeachment proceedings sa Kongreso.
Ayon kay Trillanes, āKailangan mabahala yung mga kababayan natin dito. Hindi lang ito sabi-sabi. Hindi ito paninira. Kasi kung paninira, hanggang dyan lang yan sa Facebook. Ito, dinala namin sa Ombudsman.ā
Noong Oktubre 2025, nagsampa rin si Trillanes ng plunder complaints laban kay Duterte, dating pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakakulong, at Senador Bong Go kaugnay ng umanoāy diversion ng bilyon-bilyong pisong pondo ng gobyerno para sa mga proyektong pang-imprastruktura sa Davao. (ROSE NOVENARIO)