Sat. Mar 14th, 2026

📷: Atty. Melvin Matibag

Inanunsyo ng Palasyo ang pagtalaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr. kay Atty. Melvin Matibag bilang bagong director ng National Bureau of Investiigation (NBI).

“Magkakaroon po ng bagong NBI Director sa katauhan po ni Atty. Melvin Matibag,” sabi ni Palace Press Officer Claire Castro sa Malacanang press briefing.

Si Matibag ay naging acting Cabinet Secretary sa mga huling buwan ng administrasyong Duterte noong Marso 2022.

Pinalitan ni Matibag si Atty. Lito Magno na noon lamang Oktubre 2025 itinalaga bilang kapalit nang nagbitiw na si Atty. Jaime Santiago.

“Unang-una, masasabi natin bakit niya in-appoint o ia-appoint? Nandun po yung tiwala. Nakitaan po niya si Atty. Melvin Matibag na maaaring pagtiwalaan, maaaring magtrabaho para sa gobyerno. Pero kung ano ang reason, hindi pa po nasasabi sa akin in details,” sabi ni Castro.

Matatandaan nagbitiw si Matibag bilang Secretary-General at miyembro ng PDP-Laban noong Oktubre 2023 bunsod ng pagkakaiba sa opinyon ng mga lider ng partido matapos mabulgar sa Kamara ang kuwestiyonableng paggamit ng confidential at intelligence funds ni Vice President Sara Duterte.

Naniniwala si Matibag na ang mga civillian offices katulad ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd) ay hindi dapat mabibigyan ng confidential and intelligence funds (CIF). (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *