Tue. May 19th, 2026

📷: Iranian President Masoud Pezeshkian

 

Naglabas ng detalyadong plano ang Iran para sa gagawing tugon sakaling targetin ng Estados Unidos ang imprastruktura ng enerhiya nito, ayon sa ulat ng The Palestine Chronicle.

Sinabi ni Brigadier General Ibrahim Zolfaghari ng Khatam al-Anbiya Central Headquarters, kabilang sa mga hakbang ang ganap na pagsasara ng Strait of Hormuz, malawakang pag-atake sa mga pasilidad ng kuryente at enerhiya ng Israel, at pagkawasak ng mga kompanyang may kaugnayan sa US sa rehiyon.

Binanggit din ng mga opisyal na ang mga bansang may US bases ay magiging “lehitimong target” ng Iran. Dagdag pa ni Zolfaghari, nakahanda na ang lahat para sa “kumpletong pagkawasak ng lahat ng interes pang-ekonomiya ng US sa West Asia.”

Nagpahayag ng suporta ang mga lider ng Iran, kabilang si Pangulong Masoud Pezeshkian, na nagsabing ang mga banta ng US ay lalo lamang nagpapalakas ng pagkakaisa ng sambayanang Iranian.

Idiniin naman ni Pangalawang Pangulo Mohammad Reza Aref na ang mga banta ay “tahasang pag-atake sa mga sibilyan.”

Ayon kay Speaker Mohammad Bagher Ghalibaf, anumang pag-atake sa imprastruktura ng Iran ay magdudulot ng hindi na maibabalik na pagkawasak sa mga pasilidad ng enerhiya sa rehiyon at magtutulak ng matagalang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.# (RRN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *