Tue. May 19th, 2026

Nanawagan si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na ipagdasal ng mundo na makaligtas sa “Trump-26,” na inihalintulad niya sa pandaigdigang krisis ng Covid-19.

Sa kanyang pahayag nitong Miyerkules, binigyang-diin ni Lacson na ang patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan, na sinimulan ng Estados Unidos at kaalyado nitong Israel laban sa Iran,ay nagdudulot ng mabigat na pasanin sa Pilipinas, partikular sa suplay at presyo ng langis.

Ayon sa datos, umabot na sa ₱144 kada litro ang diesel, ₱168.79 ang kerosene, at ₱111 ang gasolina.

Giit ni Lacson, ang pagtaas na ito ay hindi lamang bunga ng pandaigdigang sitwasyon kundi ng “whimsical arrogance” ni US President Donald Trump sa pakikitungo maging sa matagal nang kaalyado ng Amerika.

Binatikos din ng senador ang kamakailang pahayag ni Trump sa Truth Social, kung saan sinabi ng pangulo na ang mga bansang hindi makakakuha ng jet fuel mula sa Strait of Hormuz ay dapat bumili sa US o “go get your own oil.”

Para kay Lacson, ang ganitong postura ay naglalagay sa Pilipinas at sa buong mundo sa mas malalim na krisis.

Aniya, dapat managot si Trump sa kanyang mga aksyon, hindi lamang sa harap ng pandaigdigang komunidad kundi maging sa sariling bansa. # (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *