Mon. Apr 6th, 2026

Sinopla ni Mody Floranda, chairman ng PISTON, ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na P320 bilyon ang mawawala sa gobyerno kapag tinanggal ang VAT at excise tax sa langis.

Giit ni Floranda, nakalimutan ng senador na siya mismo ang nagsabing P1 trilyon na pondo para sa flood control ang nawaldas dahil sa korapsyon.

Ayon kay Floranda, walang dahilan para panatilihin ang mga buwis na nagpapabigat sa mamamayan.

Aniya, ang pagtanggal ng VAT at excise tax ay magbibigay ng dagdag-pera sa ordinaryong Pilipino at magpapababa ng presyo ng langis at iba pang bilihin.

“Baka dapat mas pagtuunan ng mga senador, kongresista, at ni Marcos ang TRILYON na nasasayang na pondo dahil sa korapsyon,” ani Floranda.

Binatikos din niya ang administrasyong Marcos bilang “manhid, inutil, at magnanakaw,” kasosyo umano ng malalaking kompanya ng langis at papet ng Estados Unidos.

Inilatag niya ang mga panawagan ng PISTON:

– Tanggalin ang VAT at excise tax sa langis

– I-rollback sa ₱55 kada litro ang presyo ng krudo

– Ibasura ang Oil Deregulation Law

– Itaas ang pasahe, sahod, at magbigay ng subsidies

– Itigil ang gerang agresyon ng US  # (RRN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *