Sun. Mar 29th, 2026

📷: Occupy Democrats | FB

 

Milyon-milyong Amerikano ang lumabas sa lansangan ngayong araw sa tinaguriang pinakamalaking koordinadong aksyon pampolitika sa kasaysayan ng U.S.

Ayon sa Occupy Democrats Facebook page, higit sa 3,200 “No Kings” rally ang sabay-sabay na isinagawa sa lahat ng 50 estado upang tutulan ang awtoritaryong agenda ni Donald Trump, kabilang ang digmaan sa Iran, mass deportations, at mga atake sa demokrasya.

Sa Washington D.C., tinatayang 200,000 katao ang nagtipon malapit sa Capitol. Sa New York City, pinangunahan nina Robert De Niro, Rev. Al Sharpton, at Attorney General Letitia James ang martsa na umabot sa mahigit 300,000 kalahok.

Sa St. Paul, Minnesota, umabot sa 100,000 ang dumalo sa flagship rally kung saan tumugtog si Bruce Springsteen ng bagong kantang protesta.

Hindi lamang sa malalaking lungsod, kundi pati sa mas maliliit na komunidad gaya ng Hagerstown, Maryland, libo-libo ang nagpakita ng pagtutol, kabilang ang mga lokal na grupo laban sa planong ICE detention center.

Lumampas pa ang protesta sa hangganan ng U.S., na may malalaking martsa sa London, Paris, Berlin, Madrid, Tokyo, at iba pang kabisera. Sa London, tinatayang kalahating milyong tao ang lumahok sa pinakamalaking multicultural na martsa sa kasaysayan ng UK.

Ang ikatlong “No Kings Day” na ito ang pinakamalaki sa lahat, nagpapakita ng lumalawak na galit sa loob at labas ng Amerika laban sa mga polisiya at pamumuno ni Trump. # (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *