Tue. Apr 7th, 2026

📷: Ramil Madriaga

Inutusan ng House Committee on Justice si Atty. Cynthia Viñas-Pantonal, ang abogado na nag-notaryo sa affidavit ni Ramil Madriaga, na dumalo sa pagdinig sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte at isumite ang original affidavit at mga kaukulang dokumento.

Nakasaad ang direktiba ng komite sa ipinadalang subpoena kay Pantonal.

Nauna rito’y,inatasan ng komite ang House sergeant-at-arms na magpatupad ng “heightened security measures” para kay Madriaga, nakapiit sa BJMP facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Ayon kay Committee chair Batangas Rep. Gerville Luistro, si Madriaga ay isang “material and indispensable” witness.

Sa kautusan na may petsang Marso 31, inatasan si House Sergeant-at-Arms Ret. Brig. Gen. Ferdinand Melchor Dela Cruz na makipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa dagdag na =security detail at tiyakin na ligtas na madadala si Madriaga sa mga pagdinig.

Binigyan ng kopya ng direktiba ang mga opisyal ng BJMP, Manila trial court, at abogado ng testigo.

Ang hakbang ay kaugnay sa petition for protective custody na inihain ni Deputy Minority Leader at Akbayan Rep. Chel Diokno, na binigyan katuwiran ng komite bunsod ng mga pagbabanta sa buhay ni Madriaga.

Batay sa affidavit ni Madriaga, drug dealers at Philippine Offshore Gaming Operators ang nagpondo sa kampanya ni VP Sara noong 2022 elections at may nalalaman din siya sa kuwestiyonableng paggasta ng confidential at intelligence funds ng bise presidente, pati nang siya’y education secretary pa.

Nakatakda ang susunod na mpeachment hearing sa Abril 14. # (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *