Mon. Jun 15th, 2026

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapatupad ng mga hakbang upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis, kabilang ang nationwide service contracting program at fuel subsidy para sa mga pampublikong sasakyan.

Magsisimula ang programa ng Department of Transportation sa Abril 15, na sasaklaw sa humigit-kumulang 50,000 PUV at 15 milyong pasahero.

Sa ilalim nito, makatatanggap ang mga driver at operator ng ₱40–₱100 kada kilometro bukod pa sa pamasahe, habang ang mga commuter ay makikinabang sa hindi bababa sa 20% diskwento.

Tututok ang mga ruta sa koneksyon sa tren at pangunahing bus corridors, ipatutupad sa off-peak hours, at may GPS monitoring upang matiyak ang maayos na serbisyo.

Kasabay nito, ipatutupad ang ₱10 kada litro na fuel subsidy, limitado sa 150 litro kada linggo sa loob ng tatlong buwan.

Uumpisahan ito sa Metro Manila sa susunod na linggo sa Commonwealth Avenue, bago palawakin sa Quezon Avenue, España, Zapote, E. Bonifacio, Rizal, at Marcos Highway, hanggang sa saklawin ang buong bansa.

Ang subsidy ay ipatutupad lamang sa mga DOE-accredited stations upang maiwasan ang pang-aabuso.

Binigyang-diin ni Marcos na layunin ng mga hakbang na hindi lamang pababain ang gastusin sa transportasyon kundi pigilan din ang pagtaas ng presyo ng pagkain at pangunahing bilihin. “Ang bawat desisyon na ginagawa natin ay may isang layunin lamang — maprotektahan ang Pilipino,” aniya. # (RRN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *