Kinontra ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang mga ulat hinggil sa kasunduan ng tigil-putukan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na kinompirma na ng Iran, Estados Unidos, at mga tagapamagitan mula Pakistan, sa isang pahayag na inilathala sa X account ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Israel.
Ang dalawang linggong tigil-putukan ay inaasahang sasaklaw sa pagtigil ng mga opensiba ng Israel laban sa Lebanon habang isinasagawa ang negosasyon.
Gayunman, inanunsyo ni Netanyahu na magpapatuloy ang agresyon laban sa Lebanon, na bumabaligtad sa mga naunang ulat ng kasunduan.
“Israel supports President Trump’s decision to suspend strikes against Iran for two weeks subject to Iran immediately opening the straits and stopping all attacks on the US, Israel and countries in the region. The two-weeks ceasefire does not include Lebanon,” ayon kay Netanyahu.
Direktang sumasalungat ang pahayag na ito sa anunsyo ni Punong Ministro Shehbaz Sharif ng Pakistan, na siyang namagitan sa kasunduan.
“The Islamic Republic of Iran and the United States of America, along with their allies, have agreed to an immediate ceasefire across all fronts — including Lebanon and beyond — EFFECTIVE IMMEDIATELY,” ani Sharif. # (RRN)