š·:Ā Courtesy of Tacloban City Fire Station
Nanawagan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ng komprehensibong suporta at kalinga para sa mga mag-aaral na naapektuhan ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22, na ikinasawi ng tatlong estudyante.
Kasabay nito, iginiit niya ang agarang imbestigasyon ng Kamara sa tumitinding insidente ng karahasan sa mga paaralan.
Binigyang-diin ni Tinio na ang trahedya ay hindi simpleng krimen kundi salamin ng sistematikong pagkukulang sa imprastruktura ng edukasyon.
āAng Tacloban tragedy ay nagpapakita ng chronic underfunding, overcrowding, understaffing, at kakulangan ng psychosocial support sa mga paaralan. May kakulangan tayo ng 150,000 guro at 160,000 silid-aralan, habang libo-libong paaralan ang walang guidance counselors, nurses, at support personnel,ā aniya, batay sa ulat ng Second Congressional Commission on Education.
Mariin niyang tinutulan ang mga tugon na nakasentro lamang sa parusa at seguridad.
āAng buhay ng mga bata ay hindi dapat ikompromiso dahil sa budget cuts. Ang bawat paaralan ay dapat may sapat na guidance counselors, nurses, at support personnel. Ang Tacloban tragedy ay nagpapakita ng resulta ng patuloy na kapabayaan sa sistema ng edukasyon,ā dagdag ni Tinio.
Nanawagan siya ng malaking dagdag sa pondo ng edukasyon upang makapag-hire ng mas maraming counselors at nurses, magpatayo ng karagdagang silid-aralan para mabawasan ang overcrowding, at magpatupad ng komprehensibong mental health programs.
āAng mga bata ay nangangailangan ng mga guro na may oras para sa kanila at mga counselors na nakikinig. Hindi sila nangangailangan ng mas maraming pulis,ā giit ng mambabatas.
Ayon kay Tinio, dapat magresulta ang imbestigasyon ng Kamara sa mga panukalang batas na magpapatibay sa student support systems at magtatag ng kultura ng kalinga at pagkatuto sa mga paaralan, sa halip na gawing parang āgarrisoned zonesā ang mga ito.# (RRN)