Sun. Aug 9th, 2026

Nanawagan ang grupong Bantay Impeachment ng masusing pagdinig sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, kasabay ng panawagan na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa flood control scam.

Ayon sa grupo, hindi dapat gawing transaksyong politikal ang boto ng mga senador at dapat hayaang mailabas ng mga testigo ang buong katotohanan.

Giit nila, nakasalang hindi lamang si Duterte kundi ang buong Senado dahil sa bigat ng kasong may kaugnayan sa korapsyon.

Nagbabala rin ang Bantay Impeachment laban sa posibleng delaying tactics ng depensa at hinikayat ang publiko na magbantay sa proseso.

Nakatakdang magsagawa ng malaking pagkilos ang grupo sa harap ng Senado sa Hulyo 6, kasabay ng pagsisimula ng trial. # (ROSE NOVENARIO)

By admin