Wed. Jun 24th, 2026

šŸ“·:Ā ICC Trial Chamber III presiding Judge Joanna Korner

 

Inatasan ng International Criminal Court (ICC) trial chamber si dating Pangulong Rodrigo Duterte na personal na dumalo sa status conference sa Setyembre 7 kaugnay ng kanyang kasong crimes against humanity.

Sa ikalawang status conference nitong Martes, sinabi ni Presiding Judge Joanna Korner ng Trial Chamber III na pinayagan lamang si Duterte na hindi dumalo dahil ā€œmaikliā€ ang pagdinig. Kumatawan sa kanya ang abogado na si Peter Haynes.

ā€œI’d rather feel the one on the 7th of September—because by then we’ll have had the reports—is likely to be an important one. And for that, certainly, Mr. Haynes, we would expect Mr. Duterte to be here, unless there’s some medical issue,ā€ ani Korner.

Nakatakdang isumite ng panel ng mga eksperto ang kanilang ulat sa Agosto 18, habang ang mga partido at kalahok ay maghahain ng obserbasyon sa Agosto 31.

Tinalakay rin ng korte ang mga protocol sa paghawak ng kumpidensyal na impormasyon at muling pinaalalahanan ang mga abogado na umiwas sa pagbibigay ng pahayag sa labas ng korte.

Binanggit ni Korner ang dating defense lawyer na si Nicholas Kaufman, na paulit-ulit na nagbigay ng komento sa desisyon ng ICC kahit na pinagsabihan na.

ā€œTrials are not conducted by the court of public opinion, but by this court during the course of the proceedings,ā€ aniya, kasabay ng babala laban sa maling impormasyon at ā€œfake news.ā€

Ang susunod na status conference ay sa Hulyo 14, kasunod ng mga pagpupulong sa Setyembre 7, Oktubre 13, at Nobyembre 2. Nakatakda ang pagbubukas ng buong paglilitis sa Nobyembre 30. # (ROSE NOVENARIO)

By admin