Wed. Jun 24th, 2026

Pinahaharap sa imbestigasyon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa pagkamatay ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili ang matataas na opisyal ng Ateneo de Manila University at ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan.

Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na inaasahang magtutungo sa PNP-CIDG sina ADMU president Fr. Roberto Yap ngayong Miyerkoles, habang si Pangilinan ay sa Huwebes.

Si Pangilinan ay kilala bilang pangunahing tagapagtaguyod ng athletic program ng Ateneo Blue Eagles basketball, matapos pondohan ang recruitment, coaching staff, at operasyon nito sa loob ng maraming dekada sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation.

Ayon kay Remulla, nagbigay na ng kanyang testimonya sa mga imbestigador si Fr. Nemesio “Nemi” Que, vice president for social development ng Ateneo, na nangangasiwa ng student and athletics formation programs.

Isasampa aniya ng PNP-CIDG ang mga kaso sa Department of Justice (DOJ) sa Biyernes.

“Halos tapos na ang imbestigasyon namin. Medyo conclusive na. Sa Biyernes, isusumite namin sa DOJ for filing ang kaso,”  ani Remulla. # (ROSE NOVENARIO)

By admin