Mon. Oct 19th, 2026

Ipinahayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) nitong Lunes ang pakikiisa sa Defense Press Corps at sa mga Pilipinong mamamahayag na nag-uulat hinggil sa ugnayan ng Pilipinas at China, pati na sa West Philippine Sea.

Naglabas ng pahayag ang NUJP matapos kuwestyunin ng Chinese Embassy ang kakayahan ng mga mamamahayag sa pag-unawa ng mga katotohanan.

Giit ng grupo, ang mga Pilipinong mamamahayag ay sumusunod sa mahigpit na pamantayan ng propesyonalismo at etika, at tungkulin nilang magbigay ng konteksto at suriin ang mga pahayag sa mga usaping may pambansang interes.

“Do not shoot the messenger,” ayon sa NUJP, na binigyang-diin na ang pagbabalita sa mga sensitibong isyu ay nakatuon sa pagbibigay ng tumpak at independiyenteng impormasyon, hindi sa pagpapalobo ng hype.

Pinuri ng NUJP ang Defense Press Corps sa kanilang dedikasyon sa katotohanan at patas na pagbabalita, at hinimok ang Embahada na ibatay ang anumang pagsusuri sa mga katotohanan, hindi sa malawakang paghusga sa kakayahan o intensyon ng mga mamamahayag. # (RRN)

By Web Dev