Tinawag ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela na “crazy ambassador” si Chinese Ambassador Jing Quan dahil ang mga paskil nito sa social media ay pambababoy sa ating mga karapatan bilang mga Pilipino.
Para kay Tarriela, hindi sapat na humingi lamang ng paumanhin si Jing sa mga pagmamaliit nito sa mga Pilipino.
“We deserve more than that, an apology with the doubling of the efforts na pangmamaliit ng isang dayuhan na hino-host natin dito sa Pinas, I think a mere apology is no longer enough,” giit ni Tarriela sa programang Sa Totoo Lang sa One PH.
“With this kind of behavior of this crazy ambassador, I think we should really ask for more na magagawa rito,” aniya.
Gayonman, umaasa at nananalangin si Tarriela na tumigil na si Jing, maging normal na ang takbo ng isip at tuldukan na ang pagiging bastos sa social media.
Bahala na aniya ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Malakanyang kung ano ang dapat gawin kay Jing.# (ROSE NOVENARIO)