Wed. Oct 21st, 2026

Maglulunsad ng ng tatlong araw na “pig holiday” o tigil-benta ng baboy ang mga hog raiser sa bansa sa Oct. 22-24, ayon kay Pork Producers Federation of the Philippines, Inc. (ProPork) chairman at Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Rep. Nicanor Briones.

Magsasagawa rin aniya ng kilos-protesta ang may 800 hog raisers sa harao ng Department of Agriculture (DA) sa Biyernes, Oktubre 23, upang igiit ang agarang aksiyon ng pamahalaan sa patuloy na pagkalugi ng lokal na hog industry.

Ayon kay Briones, umaabot sa ₱350 milyon kada araw ang pagkalugi ng mga lokal na magbababoy.

Tinatayang umabot sa P4.7-B ang kabuuang nalugi sa sektor mula Oktubre 2 hanggang Oktubre 21, 2026. # (TAMMY QUIBRAL)

By Web Dev