Sun. Oct 6th, 2024
Sen. Raffy Tulfo at Grendy Pearson (mula sa Renda Daldalera FB)

NANAWAGAN sa sambayanang Pilipino ang anak ni Sen. Raffy Tulfo na iba na lang ang iboto bilang Pangulo ng Pilipinas dahil bilang ama nga niya ay pumalpak ang senador sa kanyang batayang responsibilidad.

Inilahad ni Grendy Pearson sa panayam sa BATASnatin You Tube channel ang ilang detalye hinggil sa naging buhay niya mula pagkabata na hindi kapiling ang ama, ngunit sa kabila nito’y inakusahan pa aniya ang kanyang ina nang pangingikil.

Hindi ipinakita ni Grendy ang kanyang mukha sa interview ngunit noong 5 Oktubre 2021 ay ipinaskil ang kanyang larawan sa Facebook account ni Renda Daldalera.

Ayon kay Grendy, nakabase sa Amerika, ang kanyang inang si Julie Licup ang legal na asawa ni Tulfo at hindi si ACT-CIS partylist Rep. Jocelyn Pua  at labis siyang nasaktan nang akusahan ng senador ang kanyang nanay nang pangingikil.

“Meron clip that was sent to me and he said my mother is extorting him. Talagang I’m shocked kasi number 1 hindi naman totoo, Number 2 ipinakita yung mukha  ng nanay at dad ko at saka yung lugar nila, nag-invasion ng privacy. Complete abuse of power, inisip ko nung ginawa niya iyon kasi ang nanay at dad ko wala silang platform na kagaya niya so lahat nang ginagawa niya reframing. Putol-putol like ang mga information  nilalagay niya and reframing ang impormasyon. Ang nanay at dad ko wala sila power na people will hear their side of the story,” ani Grendy.

Tinawag niyang “genetic material” si Tulfo sa kanyang buhay at ang itinuturing niyang ama ay ang stepfather na si Joe Pearson na nag-aruga sa kanya.

Kaugnay sa Tulfo political dynasty, nagpahayag ng pagkabahala si Grendy, “ I think that kind of nepotism in the legal system perpetuates corruption. I’m really disturbed that there’s no law that prevents this kind of political dynasty. So I hope something will be passed that can prevent this kind of political dynasty because it creates injustices in the future.” (ROSE NOVENARIO)

 

PANOORIN: https://www.youtube.com/watch?v=q25f3zMQjBk

LARAWAN: Renda Daldalera Facebook account

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *