Sun. Nov 24th, 2024
Apollo Quiboloy

HINDI pa lumalabas ng Pilipinas si Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy taliwas sa napaulat na “tumakas” na siya para iwasan ang subpoena ng Senado.

Ayon sa source sa Department of Justice (DOJ), hanggang 16 Pebrero 2024,” wala siyang record ng departure since last July ‘nung last arrival ‘nya,”

Matatandaan na isa si Quiboloy sa mga kasama ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang makipagkita kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing noong 17 Hulyo 2023.

Sa Kapihan sa Senado noong Huwebes, inihayag ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Sen. Risa Hontiveros na isang malaking palaisipan kung bakit hindi pa pinipirmahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang request niyang subpoena para kay Quiboloy para dumalo sa isinagawang pagdinig  kaugnay sa mga umano’y pang-aabuso sa kanyang mga tagasunod.

Dalawang beses na inisnab ni Quiboloy ang imbitasyon para magpunta sa mga pagdinig ng komite ni Hontiveros.

Sa unang hearing ng komite  ay idinetalye ng tatlong babae, isang Pinay at dalawang Ukranian, kung paano sila ginahasa ni Quiboloy habang sila’y pastoral ng sekta.

Tiniyak kahapon ni Zubiri na pipirmahan niya ang subpoena laban sa KOJC founder.

Naging spiritual adviser ni Duterte si Quiboloy,  wanted sa US Federal Bureau of Investigation bunsod ng mga kasong sex trafficking, fraud, coercion, at bulk cash smuggling. (ROSE NOVENARIO)

 

 

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *