Sun. Oct 6th, 2024
Vice President Sara Duterte

WALANG pakialam si Vice President Sara Duterte kung nasaktan man niya ang damdamin ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagdalo sa anti-Marcos rallies at ang pagtutuunan umano niya ng atensyon ay ang mga problema  ng bansa gaya ng mataas na presyo ng langis at ng mga pagkain.

“Dapat ay nakatutok tayo sa pagtugon sa mga suliraning hinaharap ng ating bansa,” sabi ni VP Sara sa video sa Facebook.

First Lady Liza Araneta-Marcos

“Patuloy ang pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang mga bilihin at ito ay mas nagpapahirap pa sa dinaranas na gutom o kawalan ng sapat na pagkain ng mahihirap nating kababayan,”dagdag niya.

“Nagbabadya rin ang kakulangan ng supply ng tubig at kuryente, habang talamak na naman ang ipinagbabawal na droga,” wika ni VP Sara.

Hindi pa rin aniya tapos ang banta ng kriminalidad, terorismo at insurgency.

Ang hinanakit aniya sa kanya ni FL Liza ay walang kinalaman sa mandato niya bilang serbisyo publiko.

Sinabi niya ang kahandaan na makipag-usap ng pribado kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga susunod na hakbang.

Sa esklusibong panayam ni Anthony Taberna kay FL Liza kamakailan, inamin ng Unang Ginang na tablado na sa kanya si VP Sara dahil para sa kanya, hindi wasto na dumalo ang Bise Presidente sa isang rally na binastos si Marcos Jr. at tumawa pa ng tinawag na bangag ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidente. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *