Sat. Nov 23rd, 2024
DOJ Assistant Secretary Mico Clavano

MASISIBAK sa gobyerno ang sinumang opisyal o empleyado na makikipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga naganap na libu-libong patayan sa isinulong na madugong drug war ng administrasyong Duterte.

Sinabi ito ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano kasunod ng pahayag ni dating Sen. Antonio Trillanes na may 50 aktibo at retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) na kinontak ng ICC sa pagkakasangkot sa extrajudicial killing sa Duterte drug war.

Giit ni Clavano, hindi kinikilala ng administrasyong Marcos Jr. ang hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas kaya’t sinoman opisyal ng gobyerno o tagapagpatupad ng batas sa Pilipinas na magkakaroon ng koordinasyon sa ICC ay lihis sa direksyon ng patakaran ng gobyerno kaya’t maaaring masampahan ng kasong paglabag sa ilang probisyon ng Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ngunit kapag retirado na ang isang dating public servant, hindi na siya saklaw ng batas ngunit anoman ang magiging resulta ng kooperasyon niya sa ICC ay hindi kikilannin ng pamahalaan ng Pilipinas.

Nanindigan si Clavano na maayos at matatag ang umiiral na sistema ng hustisya sa bansa.(ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *