Thu. Nov 21st, 2024
Sen. Ronald “Bato” dela Rosa

SUMIKLAB ang galit ni Sen. Ronald ‘Bato” dela Rosa nang “akusahan” siya ng isang US-based anti-Marcos vlogger na nabayaran ni First Lady Liza Araneta-Marcos para pagtakpan ang umano’y pagkakasangkot ni Marcos Jr. sa illegal drugs.

“We invite Maharlika…her physical presence is needed here,” ani Dela Rosa sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee ng Public Order and Dangerous Drugs.

Si Maharlika, Claire Eden Contreras, ay isang vlogger na nakabase sa Amerika at kritiko ng administrasyong Marcos Jr. na nagsabing hawak umano niya ang video na gumagamit ng “polvoron” o illegal drugs si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ilalabas niya sa Hunyo 2024.

Dumalo sa pagdinig sa Senado si Jonathan Morales, dating ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nagsabing totoo ang PDEA documents hinggil sa pagkakaugnay ni Marcos Jr. sa illegal drug activity.

Nanindigan ang PDEA na peke ang mga nasabing dokumento.

“Maharlika, punta ka dito pakinggan ka namin, hindi ‘yung gagamitin mo ‘yung power of the media para siraan ako,” sabi ni Dela Rosa.

“Kung gusto kong pagtakpan si Presidente Marcos dapat hindi na ako nag hearing dito, Maharlika. Kung nabayaran ako ni First Lady wala na, hindi ko na ni-conduct ‘yung hearing. But my god, we are talking about the future of the Philippines,” dagdag ng senador.

“We are a co-equal branch of government with that of the executive. You might say that I am under the baton, that I am under the dictate of Malacañang. Never. No, my dear,” aniya.

Sa panayam ni Anthony Taberna kay FL Liza kamakailan, inamin niya na dati nilang kaalyado si Maharlika ngunit ngayon ay mahigpit na kritiko na nila.

“I hope the money you got is worth the friendship you lost,” sabi ni FL Liza. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *