Thu. Nov 21st, 2024

BINISITA ni Kabataan Rep. Raoul Manuel ang kampuhan ng mga nagwewelgang tsuper at operator sa Liwasang Bonifacio bilang suporta sa panawagan nilang ibasura ang makadayuhan at makakorporasyong Public Utility Vehicle (PUV) Phaseout ni Marcos Jr.

“Pinagpugayan niya ang sakripisyo nila sa pagtigil pasada at pagbilad sa araw para maipaglaban ang tunay na makamasang transportasyon na nakabatay sa pambansang industriyalisasyon at kaunlaran, HINDI sa iilang naghaharing dayuhang negosyo lalo ng Tsina at U.S.,” ayon sa paskil ng Kabataan partylist sa Facebook.

Naunawaan anila ng ng mga tsuper na ang PUV Phaseout tulad ng charter change (Cha-Cha) at Maharlika Investment Fund ay bahagi ng mga patakaran ni Marcos Jr. para ipasakamay sa mga malaking dayuhang negosyo ang kontrol at kita sa pagpapatakbo ng mga serbisyo at yaman dito sa ating bayan.

“Ang laban kontra PUV Phaseout ay laban kontra sa panibagong kolonyalismo at para singilin ang taksil na rehimeng U.S.-Marcos Jr,” anang grupo. (ROSE NOVENARIO) 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *