Thu. Nov 21st, 2024

NAKABAWI na pala ang isang solon sa trahedya ng kanyang pamilya nang simutin ng kanyang artistahing manugang ang “precious vault” ng kanilang political dynasty.

“Kaliwa’t kanan ba naman ang goodwill money at kickback ang nakuha niya mula sa mga infra projects, kulimbat sa pondo ng siyudad, kaya presto, napuno muli ang  “precious vault,” chismak ng humahangos na Chismosa sa Monumento.

Nabahala ang buong pamilya ni Solon sa pagsingaw ng pinakaiingatan nilang lihim ng “precious vault” kaya naman binigyan niya ng misyon ang kanyang anak na si Mayor Fendi para buhayin ang kanilang alagang troll farms.

“Gusto nilang pabanguhin ang imahe nilang bulok at siraan ang kanilang makakalaban sa 2025 elections na Tindig-Labuyo laban sa kanilang pagnanakaw,” sabat ng amuyong sa umpukan.

Ang siste raw, may toka ang bawat kakampi nilang bagets sa barangay na mag-recruit ng trolls na magpapakalat ng kasinungalingan sa social media laban kay Tindig-Labuyo.

“Ang trolls ay mga taong nag-uumpisa ng away sa internet o mga taong nakikisali sa usapan nang may usapan sa internet at nagpo-post ng mga hindi kaaya-aya upang makakuha ng atensyon o makapanakit ng ibang tao,” paliwanag naman ng Pabidang Chismosang Guro.

Magsisilbi raw na “baptism of fire” para sa binuhay na troll farms ang ipakalat ang video ni Tindig-Labuyo habang nasa isang party ng kaibigang journo at bigyan ito ng malisya dahil sa presensya sa event ng ilang opisyal ng administrasyong Marcos Jr.

“Kundi ba naman sila mga engot, hindi naman si Tindig-Labuyo ang nagdesisyon kung sino ang imbitado sa party ng journo, eh ano naman kung makasama niya ang mga opisyal ng gobyerno sa event na’yun?” ayon pa rin sa Chimosa sa Monumento.

CLUE:

Hindi raw iniintindi ng ermat ni Mayor Fendi, na kilala sa alyas na “Mayora,” ang mga problema ng kanilang pamilya dahil busy siya sa paglulustay ng kuwarta sa casino kasama ang dalawang hipag cum julalay.

Malaya pala siyang makalabas-masok sa OKA-DA, hindi kasi siya opisyal ng pamahalaan.

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *