Mon. Jul 8th, 2024

HINIMOK ni Vice President Sara Duterte ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na igalang ang paninidigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas dahil hindi na miyembro ang bansa sa Rome Statute, ang treaty na nagtatag ng ICC.

“Huwag nating insultuhin at bigyan ng kahihiyan ang ating mga hukuman sa pamamagitan ng pagpapakita sa mundo na tayo ay naniniwala na mga dayuhan lang ang tanging may abilidad na magbigay ng katarungan at hustisya sa ating sariling bayan,” ayon kay Duterte sa isang kalatas.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *