Thu. Nov 21st, 2024

NAKATAKDANG magpulong bukas sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Executive Secretary Lucas Bersamin upang pag-usapan kung babalik ang Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Tinanong si Remulla kung napag-usapan na ba nila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang paninidigan ng administrasyon kaugnay sa ICC.

“Hindi pa… although I intend to seek out the executive secretary tomorrow. Just to be able to make sure that we are on the same page on this matter. Syempre, humihingi tayo ng instructions sa executive secretary,” tugon ni Remulla.

“Ika-clarify lang. Kasi kung may balak ba tayong maging miyembro muli ng ICC. Nasa sinasabi ng Kongreso. I want to know how it affects the whole universe of the ICC and the Philippine government as it is right now,” dagdag niya,

Umuusad sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagdinig ng Committees on Justice at Human Rights kaugnay sa tatlong resolusyong inihain ng mga mambabatas na nag-uudyok sa lahat ng departamento at ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa madugong Duterte drug war.

Naniniwala si Remulla na sa gitna ng mga naturang panawagan sa administrasyon, kailangan maging malinaw kung babalik ang Pilipinas bilang miyembro ng ICC.

“Pero ang first question is why will we work with the ICC now that we’re no longer members with the ICC, di ba? ‘Yun ang tanong eh. So are we going to be members again of the ICC first for this thing to happen?” sabi ng kalihim.

Matatandaang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute, ang treaty na nagbuo ng ICC, noong 2018 makaraang simulan ng tribunal ang preliminary investigation sa Duterte drug war.

Ibinasura ng ICC Appeals Chamber ang lahat ng petisyon ng Philippine government laban sa pag-usad ng imbestigasyon at nanindigan naman sina Marcos Jr. at Solicitor General Menardo Guevarra na itigil na ang pakikipag-ugnayan sa ICC.

Sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at ilang opisyal ng kanyang administrasyon ay nahaharap sa kasong crimes against humanity of murder sa ICC bunsod ng libu-libong kataong napatay sa isinulong nilang drug war. (NIÑO  ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *