Mon. Jul 8th, 2024

📷Marissa Delgado, Divina Valencia at Eva Darren

TINABLA ng beteranang aktres na si Divina Valencia ang ipinaskil na public apology ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) sa “pambabastos” nila sa iconic actress na si Eva Darren na kanilang inimbita bilang presenter sa awards night ngunit hindi pala isinama sa programa.

Ikinuwento ni Valencia na magkasama sila ni Darren sa mesa sa harap ng entablado kaya imposible ang alibi ng FAMAS na hindi nakita ang iconic actress kaya hindi natawag sa stage para gawin ang kanyang papel ng gabing iyon.

“Hindi ko matatanggap ang dahilang napakalaking katarantaduhan na hindi makita si Ms. Eva Darren. Isa siya sa mga naunang dumating kasama ang kanyang apat na apo, umasang makikita ang kanilang grandma na papanhik sa stage. This excuse is so narrow. It’s a big BS. Para lang makagawa ng dahilan.

Nakaupo kami sa table 10, halos kaharap namin ang stage magkatabi kami ni Ms. Eva Darren… Hindi ma-locate eh lahat ng mga artistang dumating my upuang nakapangalan ng bawat nakaupo?

Imagine FAMAS, kung sino-sinong mga hindi naman taga-movie industry eh mga tumatanggap ng kanya-kanyang plaque. Tinatawag sa stage na nakakasilaw ang glitters ng mga gown, wala namang kinalaman sa showbiz. Tapos pinahiya, sinaktan ang isang Eva Darren na talagang isang icon at tumanggap ng FAMAS na totoong FAMAS.

Kahit sampung beses pa kayong mag-sorry, the damage has been done.” (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *