Thu. Nov 21st, 2024

Tawag pansin ngayon ang naging gimik ng mahusay na aktor na si Joshua Garcia kamakailan, kung saan ay namataan siya sa pamabansang parke ng Pilipinas, ang Luneta Park na namimigay ng ‘fruitcake’ sa mga taong namamasyal. Ang surpresang pagbisita niya sa parke ay bahagi ng promotion para sa nalalapit na showing ng kanilang pelikula na may titulong ‘Fruitcake’ sa June 12, 2024 sa mga sinehan.

Ang malaking tanong, epektib kaya ang gimik na ito para mahikayat ang mga manonood na panoorin ang kanilang pelikula?

Nakalulungkot man sabihin na mukhang nadadaig na ng streaming platform ang mga sinehan, kaya ang reyalidad ay hindi kumikita ang halos lahat ng pelikula na ipinalabas sa sinehan magmula pa ng pumasok ang taong 2024.

Minsan nga ay nagbahagi ng saloobin si Ogie Diaz sa kanyang FB post na isang larawan ng ticket selling area ng isang sinehan na wala ni isang nakapila para manood ng pelikula.

Super effort naman ang mga nakaraang producers sa pag po-promote; gumagastos sila sa artista, presscon at premiere night upang maging maingay at mahikayat ang mga tao na manood, pero bigo parin ang mga ito, kadalasan ‘first day last day’ sa mga sinehan ang nangyayari dahil nga bagsak ang ticket sales.

Marami ang nagsasabi na dapat babaan na ang presyo ng tiket para hindi masakit sa bulsa ang manood ng sine; ito nga kaya ang sagot para bumalik ang mga tao sa sinehan?

Sa darating na June 12, mahuhusgahan kung effective ang naging kakaibang gimik ni Joshua Garcia para hikayatin ang mga tao na suportahan ang kanyang latest movie ‘Fruitcake.’

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *