Mon. Jul 8th, 2024

Natapos na ang matagal- tagal din na paghihintay ni Miss Imelda Papin para sa kanyang magiging puwesto sa gobyerno.

Humarap siya kamakailan sa mga piling entertainment press at mga kaibigan sa showbiz para pormal na ipahayag na newly appointed director siya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tunay na Isang loyalista si Ate Mel noon at ngayon. Nagkaroon pa nga siya ng pelikulang “Loyalista”. na siya ang bida.

Kaya matunog ang usapan na nagbunga rin ang paging loyalista niya sa pamilya Marcos.

Present ang buong pamilya ng mga Papin sa nasabing okasyon.
At laking pasasalamat ni Imelda sa ating Panginoon sa pagbigay ng bagong hamon sa buhay, ang paging director.

Sa kanyang pagpasok sa PCSO ay maraming umaasa na dagsa ang matutulungan niyang kababayan natin.

Naalala din ni Imelda na noong 12 years old siya ay may nagsabing matandang babae sa kanyang ina na makikilala siya ng milyun milyon tao.

At ito na nga yun. Pang- national na ang kanyang paglilingkod.

Congrats , Director Imelda Papin.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *