Blessing in disguise kay Eva Darren ang maintrigang pang-i-snob daw ng FAMAS sa kanya para maging presenter. Lumikha kasi ‘yun ng malaking ingay sa showbiz, nasapawan ang mga winners dahil hindi sila napag-usapan. Lahat ng atensiyon ay nakuha ng beteranang aktres. Maraming sumawsaw. Nakuha niya ang simpatya ng publiko. Naapi pa daw?
Dahil dito ay inulan si Eva Darren ng offer at pagkilala o honor sa kanya. Isa siya sa bibigyan ng parangal sa darating na 7th EDDYS na ang awards night ay gaganapin sa Ceremonial Ceremony ng Marriott Grand Ballroom sa July 7, 2024
Pero pagdating sa mga proyekto, may tanong ang publiko kung kaya pa ba niya ang magtrabaho dahil sa edad ng aktres, 77 na kasi ito at mahihirapan na siyang magtrabaho. Nung umattend nga siya sa FAMAS ay naka baston na ito.
Pero sana, makaya pa niyang makapag-work. O kaya naman ‘yung ibang gusto siyang tulungan, sa ibang paraan na lang siya tulungan, ‘yung kaya pa niya.
-ooo-
Sino kaya kina Nadine, Kathryn , Kim at Janine ang magiging si Elsa sa remake ng Himala?
Simula nang malaman ng publiko na gagawin ang remake ng pelikulang “Himala,” kyuryus tuloy ang mga ito kung sino ang gaganap na Elsa?
Si Elsa ang pangalan ng karakter ng naging bidang si Nora Aunor noon. Siyempre, nasa isip ng mga tao kung sino ang karapat-dapat o bagay sa papel ng Superstar, yung hindi man mapantayan yung galing sa pag-arte ni Ate Guy pero yung dapat magaling din.
Pero sino nga ba ang dapat?
Lumutang ang pangalan nina Nadine Lustre, Kathryn Bernardo, Kim Chiu at Janine Gutierrez.
Daming argumento sa apat. Kanya-kanya labas ng credential at kredibilidad. Bagay raw kay Janine dahil apo siya ni Nora at magaling din. May acting trophy na rin sina Kath at Nadine. At idagdag pa si Kim, napapansin na rin ng publiko ang kanyang galing sa pag-arte dahil sa mga teleserye.
Pero lamang daw si Kath dahil may bankability ito. May bankability factor kasi ang aktres. Kumita kasi halos lahat ng kanyang mga pelikula.
Let’s wait and see na lang kung sino ang final choice.
Ang musical remake ng “Himala” ay produced ng Philippine Stagers Films at sa direksiyon ni Vince Tanada,
Kaabang-abang din kung ano ang magiging papel ni Piolo Pascual dito.