Larawan: Si Tanay Vice Mayor Rex Manuel Tanjuatco (kaliwa), dating Press Undersecretary Edwin Cordevilla, Dr. Epitacio R. Tongohan (gitna), Danny Gallardo, at dating Komisyon sa Wikang Filipino at National Commission for Culture and the Arts chair, Jose Laderas Santos nang gawaran si Tongohan ng parangal ng Sangguniang Bayan dahil sa kaniyang ambag sa panitikan, lalo na sa visual poetry. (Photo courtesy of Doc PenPen Bugtong Takipsilim)
PUSPUSANG ikinakampanya ngayon ni Dr. Epitacio Ramos Tongohan, nakilala rin bilang Doc PenPen Bugtong Takipsilim na ideklara ang Pilipinas bilang Poetry Heart of the World, dahil makatutulong ito sa pagpapalago ng industriya ng sining, panitikan, at turismo sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Tongohan na panahon na para kumilos ang gobyerno, sa pangunguna ng Malacañang upang isulong ang pagtatalaga sa Pilipinas bilang pinakapuso ng panulaan sa mundo.
Nakilala si Tongohan bilang visual poetry na bumiyahe sa iba’t ibang panig ng mundo para ipalaganap ang tula bilang instrumento ng kapayapaan at pagkakaisa ng mga mamamayan sa daigdig. Dahil sa kaniyang naging kontribusyon sa pagpapayaman ng visual poetry sa mundo, idineklara siya ng mga makata sa China, US, Canada, Turkey, Tunisia, Ghana, Italy, Morocco at iba pa bilang “Father of Visual Poetry” samantalang kinilala naman siya ng mga Indian poets bilang “King of Visual Poetry” noong 2017.
Samantala, noong Pebrero 22, 2024, kinilala ng Tanay Municipal Government ang naging ambag ni Tongohan sa sining at kultura nang ipasa nito Municipal Resolution No. 43, s. 2024. (NOEL SALES BARCELONA)