INATASAN ng Presidential Communications Office (PCO) ang lahat ng ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng sangay ng ehekutibo na palitan ang cover photo ng kanilang social media account bilang paggunita sa ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Ipinabatid ito ni PCO Undersecretary Emerald Ridao sa pamamagitan ng isang “urgent memorandum” na may petsang 30 Mayo 2024 na ibinigay sa mga ahensya ng pamahalaan.
“In view of the upcoming Independence Day, we require all government offices under the executive branch to simultaneously change your respective Facebook Cover Photos on 01 June 2024 at 6:00 PM until 13 June 2024 at 6:00 PM.
Additionally, we kindly ask that your office disseminate these instructions to all attached, regional, and other relevant agencies and offices,” sabi ni Ridao sa memorandum.
Ang dapat aniyang ilagay na caption sa cover photo ay “Buhay na buhay ng diwang makabayan ng Bagong Pilipino sa pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas!”
At kailangan may mga hashtag na #Kalayaan2024 #KalayaanKinabukasanKasaysayan at #ArawNgKalayaan.
Ngunit ang state-controlled television network IBC-13 ay hindi tumalima sa memo ni Ridon dahil ang kanilang cover photo sa Facebook na ipinaskil noong Hunyo 3 ay kaugnay sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong buwan.
Habang ang Department of Health ay hindi rin sumunod sa memo ni Ridao at hindi pinalitan ang kanilang cover photo sa Facebook na “Bawat Buhay Mahalaga” na ipinaskil noon pang 3 Enero 2023. (ROSE NOVENARIO)