Sat. Nov 23rd, 2024

📷Former Vice President Leni Robredo

HINDI mahagilap sa panahon ng” bakbakan” si dating Vice President Leni Robredo bilang pinuno ng “independent opposition” kaya’t mas mainam na si Sen. Risa Hontiveros na ang maggiya sa tinaguriang Pink Movement, ayon kay dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV.

“What the opposition needs now is a leader who is in the thick of things, not someone who is invisible. Hindi pwedeng leader ka nga, nandoroon ka, nakatago ka. That is not how a leader should act,” sabi ni Trillanes sa panayam sa VERA Files’ Tres from Tress podcast kamakailan.

Tikom aniya ang bibig ni Robredo sa mga maiinit na isyu ng bansa mula nang matalo sa 2022 presidential elections.

Giit ni Trillanes, ang kailangan na lider ng oposisyon ay ang mamumuno laban sa mga pagtatangka ng mga Duterte na makabalik sa Malakanyang o kokontra sa planong pagpapalawig ng administrasyong Marcos Jr. “beyond 2028.”

Dahil “missing in action” si Robredo, si Hontiveros ang suportado ng grupong Magdalo ni Trillanes na maging lider ng “independent opposition.”

“In the case ni Sen. Risa Hontiveros, talagang she’s in the thick of the action. Pinamumunuan niya kung saan dapat pamunuan. Kaya ‘yun ang gusto nating mga katangian ng isang leader,”  anang dating senador.

Si Hontiveros, bilang chairperson ng Senate Committee on Women, Children and Family Relations, ang nanguna sa imbestigasyon sa illegal activities sa religious sect na Kingdom of Jesus Christ ni Apollo Quiboloy at posibleng kaugnayan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kuwestiyonableng operasyon ng Philippine offshore gaming operators.

Nanawagan si Trillanes sa iba’t ibang grupo na naging bahagi ng Pink Movement o ang mga umayuda sa kandidatura ni Robredo noong 2022 presidential elections na maging mulat at ilipat ang kanilang suporta kay Hontiveros bilang bagong pinuno ng “independent opposition.”

Lumipas na aniya ang “urong-sulong” na gimik ni Robredo habang si Hontiveros nama’y nakahandang ikonsolida ang base ng oposisyon para pagsabak sa 2028 elections. (ROSE NOVENARIO)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *