Fri. Nov 22nd, 2024

📷Makati City Mayor Abby Binay

KINUWESTYON ni Makati City Mayor Abby Binay ang Commission on Election (Comelec) sa naging desisyun nito na hindi payagang makaboto ng kongresista ng mga residenteng botante ng Enlisted Men Barrio (Embo) barangay na napunta sa lungsod ng Taguig dahil sa desisyon ng Korte Suprema.

Ayon kay Binay, mukhang nakalimutan ng komisyon na ang mga municipal councilor ay bahagi ng legislative district.

Giit niya, kung makaboboto ang mga residente ng mga konsehal ay nangangahulugan lamang na bahagi sila ng legislative district.

Tanong tuloy ni Binay,” Bakit hindi sila maaring bumuto ng kinatawan sa kongreso ang mga resisdente?”

Magugunitang noong Martes ay inihayag ni Comelec Commissioner George Garcia na ang mga residente ng EMBO barangay ay hindi kasalukuyan nabibilang sa anumang distrito ng Taguig.

Ipinunto pa ni Garcia na kailangan muna ng isang batas na mapagtitibay upang matukoy kung saan distrito kabilang o maaring dagdag na distrtito na tatawaging third district ang mga EMBO barangay.

“The decision denies the EMBO residents of this right. Nawalan na nga sila ng benepisyo mula sa Makati , inalisan pa sila ng karapatang bumoto ng kanilang kinatawan sa kongreso,” ani Binay.

Payo ni Binay sa pamahalaang lungsod ng Taguig, ipagtanggol at ipaglaban ang karapatan ng mga botante ng EMBO barangay na makaboto ng kanilang kinatawan sa Kongreso.

“To simply accept the Comelec decision is to sustain an injustice and be aparty to the derogation of theirs rights as citizens. Dapat ipagtanggol ang kanilang karapatan. Kung hindi ito gagawin ng pamunuan ng Taguig , bahagi sila sa pagkitil sa karapatan ng mga mamamayan ng taga-EMBO,” dagdag ni Binay.

Matatandaang idineklara ng Korte Suprema na ang Fort Bonifacio Military Reservation na kinabibilanganan ng parcel 3 at 4 , PSU-2031 at ang 10 EMBO barangay ay bahagi ng lupain ng lungsod ng Taguig.

 

Kabilang sa 10 EMBO Barangay ay ang CEMBO, West Rembo, Esat Rembo, South Cembo, Comembo, Pembo, Rizal, Post Proper Northside at Post Proper Southside na kung saan dating sakop o bahagi ng lungsod ng Makati.

Inamin din ni Gacria na sa kasalukuyan ay naghahanda na sila ng balota para sa nalalapit na 2025 elections at hindi kasama ang posisyon ng kongresista sa 10 EMBO Barangays.

“Hindi po kami puwede maghintay kung magkakaroon ng batas o wala sapagkat ayun pong balota kinakaialngan maging malwanag kung may congressman o wala,” ani Garcia.

Ipinunto ni Garcia na maari pa namang makaboto ang mga botante ng 10 EMBO Barangays sa posisyon ng mga senador, punong lungsod at ikalawang-punong lungsod.  (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *