Sat. Nov 23rd, 2024

Inaasahang sa September magsisimula ang taping para sa TV adaptation ng pelikulang Maid in Malacañang.

Under the direction of Daryll Yap, tinatalakay ng nasabing period movie ang huling 72 oras ng mga kaganapan sa loob ng Palasyo bago napilitang mag-exile ang pamilya Marcos sa Hawaii.

Ito’y sa kasagsagan ng Edsa People Power revolution noong 1986.

MiM hit the commercial theatres in 2022. Ipinalabas din ito sa ibang mga bansa.

Sa tanggapin man o hindi, nabuhay muli ang alab sa puso ng mga Marcos loyalists.

Para sa mga tao sa likod ng film production, hindi raw sila maaaring akusahan ng historical revisionism dahil inilahad lang ng pelikula ang mga umano’y totoong pangyayari mula sa punto de vista ng mga kasambahay sa ilalim ng empleyo ng pamilya Marcos.

Matatandaang mga pro-Marcos sa totoong buhay ang mga nagsiganap bilang maids: Karla Estrada, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo.

Samantala, Cesar Montano essayed the role of Ferdinand Marcos Sr., Ruffa Gutierrez as Imelda, Cesar’s real-life son Diego Loyzaga as Bongbong, Cristine Reyes as Imee and Ella Cruz as Irene.

The film stirred the pot, so to speak, if only for a single questionable scene.

Mismong ang Carmelite Monastery in Mabolo, Cebu ang nagreklamo hinggil sa eksena sa mahjong table kung saan ang isa sa mga naglalaro ay nakasuot ng dilaw na bestida believed to be Cory Aquino.

The nuns maintained na wala raw lumapit sa kanila mula sa produksyon para magsaliksik.o

Ang Viva Films na pag-aari ni Vic del Rosario ang nagprodyus ng ng MiM.

Hindi pa tiyak sa ngayon kung ang mga nagsiganap sa pelikula  are the same cast members inin the TV adaptation.

Dahil naiulat ito ng ABS-CBN news, does it follow na sa Kapamilya channel ito matutunghayan?

In exchange for what, ang pagkalooban ng prangkisa ang network na unang ipinasara sa ilalim ng rehimeng Marcos?

Don’t we all see it coming, after all?

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *