Sat. Nov 23rd, 2024

NANAWAGAN ang Liberal party kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpatupad ng total ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa buong bansa.

Sa kalatas na ipinaskil ni LP Spokesperson Leila de Lima sa social media, inihayag na ang patuloy na operasyon ng POGOs ay hindi katanggap-tanggap at naglalagay ng matinding banta sa  pambansang seguridad at kapakanan ng lipunang Pilipino.

“The Liberal Party of the Philippines vehemently demands the immediate and total ban of Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) in our country. The continued existence and operations of POGOs have become untenable and unacceptable, posing severe threats to our national security and societal well-being,” sabi ni De Lima.

Lumilitaw aniya sa isinasagawang Senate investigation na malawak at malalim ang impluwensiya ng mga entidad na ito sa pamahalaan at pinahihina nito ang kakayahan natin na pangalagaan ang mga komunidad at pamilya, pati na rin ang pagtugon sa mga krimen at katiwaliang kaugnay ng mga operasyong ito.

“Malinaw ang dapat gawin: Patalsikin na dapat sa ating teritoryo ang mga POGO.”

“We call upon the President to address this urgent matter decisively. The time for ambiguity has passed; it is imperative to take a clear and firm stand against POGOs to safeguard the integrity of our nation and the future of our citizens.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *