Sat. Nov 23rd, 2024

ISASANTABI ng Senado ang mga panukalang may kaugnayan sa Charter change (Cha-cha) sa huling regular session ng 19th Congress upang bigyang daan ang mas mahahalagang batas na tunay na magpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

Sa kanyang talumpati sa pagpapatuloy ng sesyon ng Senado, sinabi ni Senate President Chiz Escudero na kailangan nilang tumutok sa mga panukalang batas na maghahatid ng direktang benepisyo sa publiko at iwasan ang mga mungkahing nagdudulot ng pagkakawatak-watak at alitan sa politika.

“In this final regular session of the 19th Congress, following Quezon’s advice, we will set aside items which merely dissipate our energy and divide the public,” pahayag ni Escudero na tumutukoy sa yumaong Pangulong Manuel L. Quezon, ang nagsilbing kauna-unahang Senate President ng bansa mahigit isang siglo na ang nakalipas.

Kinompirma ng pinuno ng Senado na hindi bibigyan ng agarang atensiyon ang Cha-cha proposals at susundin ang karaniwang proseso ng lehislatura, kung isasaalang-alang man ito.

“In its stead, bills which can effect the same result—but without the needless political noise and bickering—will be prioritized. This will allow us to focus our energy on measures which the people truly need,” dagdag pa niya.

Ayon kay Escudero, pagtutuunan ng pansin ng mga senador ang mga common legislative agenda na binuo kasama ang executive branch at House of Representatives, sabay sabing ang “legislation is not a one-way process.”

“We are not mere processors of proposals, but also proponents of them. And the Senate is best when it incubates brave ideas and initiates bold legislation,” paliwanag niya.

Para matiyak na epektibo ang lehislatura, ipinakilala ni Escudero ang tinawag nyang “three-way test” para sa pagbibigay-priyoridad sa mga panukala: “Will it make the lives of our people easier? Will it help us move faster? Will it make our people’s burdens lighter?”

“This applies as well in deciding whether we need to legislate in the first place,” saad pa ni Escudero. “For the Senate does not only propose new laws, it also disposes of needless or obsolete ones.”(NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *