ISINUOT ni Mr. Philippines, Kenneth Cabungcal ang kanyang official “Bagong Pilipinas” pin sa formal wear competition sa katatapos pa lamang na Man of the World pageant kung saan siya ay napiling First Runner Up, segunda puwesto sa nagwaging si Mr. Venezuela.
Itinuturing ni Cabungcal na lucky charm niya ang “Bagong Pilipinas” pin sa timpalak dahil ito’y simbolo aniya na buong pagmamalaki niyang kinatawan ang mga katangian ng isang makabagong Pilipino na kayang isakatuparan ang kanyang pangarap sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Ayon kay Cabungcal, na lumaking nagtitinda sa palengke ng Negros Oriental: “As a boy who grew up in an underprivileged family, I think that destiny brought me here tonight because destiny wants me to show, inspire and give hope to young people like me that we can shine in this world if only we believe in God, believe in ourselves and follow our hearts’ desires. Tonight as I stand here, I want this to be a testimony that anything impossible can be possible.”
Hanggang sa huli, bago i-anunsyo ang resulta ng contest, makikitang hinahawakan ni Cabungcal ang simbulong pinaghahawakan ng administrasyong Marcos Jr, ang Bagong Pilipinas.
Congratulations, Kenneth! Proud kami sa iyo! (ZIA LUNA)