Sat. Nov 23rd, 2024

ISA si Ai Ai de las Alas sa mga nasampolan ng nanalasang global IT outage kamakailan which practically paralyzed business operations.

Kabilang sa mga naapektuhan ay ang mga flights.

Bale ba, naabutan ang komedyana sa Charlotte International Airport kasama ang anak na si Sophia. They were supposedly bound for North Carolina.

Dahil saktong naabutan ang mag-ina roon, all flights had been cancelled. Maihahalintulad nga sila sa mga stranded in the middle of nowhere.

Buti na lang, like a typical boy scout thrown into the wilderness ay laging handa ang komedyana.

Tila bihasa si Ai Ai sa mga disaster preparedness drill.

Nakadagdag pa sa kanyang ganda points ang pagiging jologs.

Probably in anticipation that something would go wrong, hindi naging problema ang manatili sa paliparan sa oras pa manding kailangan niyang matulog.

Anong ginagawa ng kanyang baon na unan at kumot to keep her comfortable? At anong silbi ng sahig ng airport na puwede namang gawing higaan? Eh, ‘di sumalampak nang bonggang-bongga!

While stranded for hours, naturally, hunger kicked in? Problema ba ‘yon? Not in the case of Ai Ai who had stocked up on food to munch on inside her handcarry bag.

Sa kabila ng kanyang sinapit, Ai Ai gleaned a lesson or two.

Hangga’t maaari raw, never travel alone. Thank God, she was with her daughter dahil kung hindi ay iiyak na lang siya for being helpless.

Mahalaga rin daw na magbitbit ng mga provisions tulad ng unan at kumot plus pagkain na huwag ihalo sa itsine-check in na luggage.

Mula sa airport ay sinundo na lang daw silang mag-ina en route to their next destination which took all of four hours by land.

Knowing Ai Ai, she’s not the type who’ll let herself caught with her jeans down!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *