Thu. Sep 19th, 2024

BINASAG na ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang katahimikan sa akusasyon ng netizens na peke ang mga larawan na kanyang ipinaskil sa social media hinggil sa kanyang pagpunta sa New York Fashion Week (NYFW) show.

Ibinahagi ni Pia sa paskil sa Instagram ang behind-the-scenes snaps sa kanyang biyahe sa NYFW, pati ang kanyang natanggap na imbitasyon sa mga naturang show.

Ipinaliwanag ni Pia na hindi talaga siyang nakadalo sa sa Carolina Herrera show dahil sa traffic at nagpasya siyang bumawi sa CH team sa pamamagitan nang pag-post ng kanilang content, na naging viral.

“Felt so bad to have missed the Carolina Herrera show by a few minutes. Decided to shoot the looks they sent and repost the curtain call to make it up to them. Expect more CH content coming through!” bahagi ng caption ni Pia.

Matatandaan na pinost ni Pia ang isang video mula sa runway ng naturang show matapos ipunto ng netizens na ito’y naipaskil na sa stylenotcom Instagram page tatlong araw na ang nakaraan kaya pinagbintangan siya na “ninakaw” ang content.

Tinanggal ng beauty queen ang video,  muling ipinaskil at nilagay na ang pangalan ng fashion account.

Idinagdag ni Pia ang isang bagong video na nagpakita ang shows na kanyang dinaluhan, pati ang show na hindi niya napuntahan sanhi ng traffic. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *