Thu. Sep 19th, 2024

‘NAGING bukambibig ang bagong pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Again” matapos ilabas ng  Star Cinema ang isa pang teaser sa Instagram, at puno ito ng nakaaantig na pagpupugay sa  Overseas Filipino Workers (OFW).

Nagmarka rin ang hindi malilimutang eksena na nakita ni Ethan (Alden) si Joy (Kathryn) sa airport.

Susundan ng “Hello, Love, Again” ang kwento nina Ethan at Joy, dalawang nagsusumikap na OFW na nagkita sa Hong Kong at nagka-ibigan sa maling pagkakataon.

Makalipas ang limang taon, muling magku-krus ang kanilang landas sa Canada.

Ang cast at crew ng “Hello, Love, Again” ay dumating sa Canada noong huling bahagi ng Hulyo para kunan ang pelikula at natapos ito noong nakaraang buwan.

Nakatakdang ipalabas ang “Hello, Love, Again” sa Pilipinas sa Nobyembre 13. Ito ang kauna-unahang pelikulang pagsasamahan ng GMA Pictures at Star Cinema.

Available na ang mga tiket para sa pinakahihintay na sequel ng 2019 blockbuster hit na “Hello, Love, Goodbye,” sa SM Tickets at Ayala Malls theaters sa buong bansa. #

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *