Fri. Sep 20th, 2024

KUNG hindi pa tatantanan ng kanyang mga bashers ang sexy actress na si Rhen Escano ay makikita nila ang kanilang hinahanap.

Ito mismo ang pinakawalang babala ng veteran entertainment writer na si Aster Amoyo who also manages Rhen’s career.

Nag-ugat ang ani Aster ay below the belt bashing sa kanyang alaga bunsod ng kumalat na fake news.

Ayon sa pekeng balita, si Rhen daw ang secret girlfriend ni Paulo Avelino.

Parang nabulabog na kuta ng mga bubuyog ang mga fans and shippers alike nina Kim Chiu at Paulo (or better known as KimPau) who started bashing Rhen.

Bale ba, to borrow Aster’s words: “Pati ‘yung mga clips ng movie ni Rhen na ‘Adan,’ ikinakalat nila. Bastusan na, eh!”

Sana man lang daw ay nag-fact-checking muna ang mga KimPau fans bago hinusgahan ng mga ito ang kanyang alaga nang walang kalaban-laban.

Sa sobrang sama raw ng loob ay umiiyak na lang daw si Rhen: “Kawawa naman ‘yung bata, masyadong apektado!’

Wala rin daw natatandaan si Aster na nagkasama sina Paulo at Rhen on a date ni minsan.

Ni hindi nga raw sila close sa isa’t isa.

Getting bashed is all the more unfair to Rhen dahil: “She’s one actress who’s both serious with and dedicated to her craft, tapos, gaganu’nin lang nila?!”

Inaasahan ni Aster si Paulo mismo to step in to clear Rhen’s name.

At kung magpapatuloy pa raw ang pamba-bash sa kanyang alaga, her camp might be constrained to file a cyber libel case against those responsible for it.

Bukas ang Balitang K sa panig ni Paulo.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *