MAS naunang ipinalabas sa Netflix ang historical action-drama na Pulang Araw ng GMA nitong July 27, Sabado.
Its regular run ay ngayong Lunes (July 29).
If only for its positive reviews ay hindi namin pinalampas kahit man lang pilot episode nito.
Ito’y kung saan in-establish na ang mga karakter nina Eduardo (Alden Richards) at Adelina (Barbie Forteza) na magkapatid sa ina (Fina played by Rhian Ramos).
Ipinakita roon ang mga bata pang magkapatid na inihabilin ni Fina sa kanilang Tiya Amalia (Rochelle Pangilinan). Nadale kasi ng TB si Fina at kinailangang maospital, pero nasawi rin kalaunan.
In short, short lang din ang exposure ni Rhian.
But mind you, no matter how short ay nangabog naman ang aktres sa aktingan.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may pagka-“coño” girl si Rhian when she speaks yet you’ll be surprised as she sheds off her foreign-sounding twang.
Not only is Rhian’s delivery of her lines impeccably noteworthy, maging ang kanyang atake bilang kabit who gets ridiculed by her “Marites” neighbors ay papalakpakan mo.
Nasanay na kasi tayo sa kababawan ng acting ni Rhian in many a GMA series, pero sa Pulang Araw ay nananampal ang performance niya.
No wonder, puring-puri ang aktres ng mga nakapanood ng pilot episode.
It’s just too bad na inilibing na ang kanyang karakter bilang Fina, which literally means hindi na siya muling mapapanood (unless singitan ng mga flashback scenes).
Rhian as Fina may have been buried six feet below the ground, pero mananatiling buhay ang kamura-murang akting niya na: “Tang’na, ang galing-galing mo, gurl…nyeta ka!”
Congratulations are in order para sa direktor ng teleseryeng si Dominic Zapata.
To be honest, I’m not exactly a teleserye fan pero mukhang masisira ako sa Pulang Araw na ayokong palampasin, umulan man o umaraw (nang pula)!