Thu. Sep 19th, 2024

Napatunayan mismo ng veteran actress na si Celia Rodriguez ang kabutihang-loob ni Coco Martin.

Isa lang ito sa mga paksang napag-usapan sa latest vlog interview ni Ogie Diaz.

In his usual sprightly self, hindi kinakitaan ng pagiging intimidated ni Ogie sa kanyang kaharap.

Local showbiz knows full well that anyone who comes face-to-face with Manay Celia–as she’s called in showbiz circles–is sure to quiver in his boots.

Dala na din marahil ‘yon ng mga kontrabida roles which the still-gorgeous actress gives life to on screen.

“May mabait din naman role na ginampanan,” pagbabalik-alaala ng aktres sa kanyang award-winning film na Lilet.

To date, anim na dekada na palang nananatili si Manay Celia sa showbiz.

She believes that maintaining one’s longevity is more important than basking in fame.

Mukhang ito ang direksyong tinatahak ni Coco Martin because of his good deeds.

To begin with, hindi pa raw niya nami-meet si Coco in person but she has heard a lot of stories about him, partikular na ang maganda nitong ugali.

Mismong si Manay Celia na rin daw ang nakaranas nito. This was when a fellow actress sought her out as her husband was fighting for his dear life.

Bigla raw sumagi si Coco sa kanyang isip dahil nga sa marami itong natutulungan mula sa industriya.

Manay Celia got Coco’s number from Lorna Tolentino, tinawagan niya ang numero pero nagri-ring lang ito.

Hours later nang i-return daw ni Coco ang kanyang tawag dahil nasa taping ito ng Batang Quiapo.

The veteran actress didn’t mince words, sinabi niya ang kanyang pakay.

To cut the story short, hindi daw nagkait ng tulong si Coco.

Lalo raw na-reinforce kay Manay Celia ang realization kung bakit matagumpay si Coco sa career nito: “To think he’s a young boy, he knows how to share his blessings!”

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *