Thu. Sep 19th, 2024

Inalmahan ng isa sa mga producer ng pelikulang Lost Sabungeros ang ‘di natuloy na screening nito sa ginaganap na Cinemalaya Film Festival.

Sa Facebook post ni Lee Joseph Marquez Castel, kinastigo niya ang mga organizer ng nasabing festival.

Ayon kay Castel na senior assistant vice president ng GMA Public Affairs, ang kanselasyon ng screening ng Lost Sabungeros nitong August 8 dapat sa Ayala Malls ay pagkapanalo ng inihahasik na takot.

Pagdidiin niya, tungkulin ng mga mamamahayag kung paanong karapatan ng mga mamamayan ang malaman ang katotohanan sa likod ng pagkawala ng mahigit 30 sabungero.

Halos dalawang taon daw ang ginugol nila sa pananaliksik ng mahalagang impormasyon kaugnay ng kaso.

Inatake rin ni Castel ang mismong tawag sa Cinemalaya Independent Film Festival sa pagsasabing hindi ito malaya at hindi rin ito independent.

Bagama’t dapat din na sineseryoso ang banta ay sino aniya ang pinoprotektahan nito?

Nag-aalala rin si Castel para sa kaligtasan–o kawalan nito–na pag tilaok ng manok ay may mga mahal sa buhay na bigla na lang mawawala.

In summary, kinuwestyon ni Castel ang mismong motibo ng mga organizers ng CIFF.

Ang pelikulang Balota na may matapang ding tema na pinagbibidahan ni Marian Rivera ang pumalit sa August 8 slot ng Lost Sabungeros.

Tatakbo ang CIFF hanggang August 11 sa mga select malls.

Inaantabayanan ang panig ng mga CIFF organizers, dahil sa tanggapin nila o hindi, ang pagtanggap ng publiko sa taunang festival–at tagumpay nito–sa mga susunod pang screening in the future ay nakasalalay sa kung paano nila maipaliliwanag ang ‘di makatarungang pagkakakansela sa isang makamulat-isip na pelikula.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *