Maliban sa iresponsableng paggamit nito, marami rin ang naka-realize ng maganda at positibong idinudulot ng social media, lalo sa usapin tungkol sa mga kaso ng sekswal na pang-aabuso sa showbiz.
Nagsisilbi kasing “sounding board” ng mga biktima ang social media para itawid ang kanilang karanasan.
How singer Gerald Santos wishes social media was around noong 2006. Kinse anyos lang sya noon when he made it to GMA’s Pinoy Pop Superstar, a singing search hosted by Regine Velasquez.
Times then were turbulent for the teenager na ngayon lang nagbahagi–bagama’t hindi detalyado–ng kanyang sinapit tulad ng kay Sandro Muhlach in the hands of GMA’s creative staff.
Nang pumutok daw kasi ang balita’y marami ang nagte-text message kay Gerald, even tagging him updates about the Sandro case.
In the process, hindi raw napigilan ni Gerald na maluha as he relives those painful memories.
Ang masaklap, na-violate na nga raw ang kanyang karapatan ay naging mailap pa ang hustisyang nais niyang makamit.
Pinakinggan lang daw ng mga network boss ang kuwento ni Gerald but no action was taken. Sa halip, pinayuhan na lang daw siyang mag-move on as if nothing happened.
Sa paglantad ni Sandro, Gerald’s hope that justice would be served has been rekindled.
Nagpapasalamat din siya sa Me, Too: isang social movement composed of individuals who share similar grim experiences of sexual harassment.
Kung noon daw ay walang kinahinatnan ang kaso niya, umaasa si Gerald that Sandro gets what’s due him na ipinagkait sa kanya 18 years ago.
For all we know, there might be other victims na magsunuran after Gerald–hindi lang para isiwalat ang ganitong network practice kundi sa mga film production companies, artist management offices and elsewhere.