Fri. Nov 22nd, 2024

ANSWERED prayer na maituturing ni Bayani Agbayani at how he arrived at the decision to finally give politics a try.

Humiling daw kasi ang TV host-comedian ng divine intercession, at ipinagkaloob naman ang katuparan ng hinihingi niyang senyales.

Kaya tiyak na raw ang pagpalaot niya sa public service sa darating na mid-term elections na nakatakda next year.

Kakatawanin ni Bayani ang Tupad Partylist.

Aside from asking for signs ay isinangguni din daw niya ang kanyang plano sa kanyang pamilya partikular sa kanyang maybahay at mga kapatid.

Aniya, it’s only through entering the political fray will he be able to extend 100% help sa ating mga nangangailang kababayan.

Aware din daw kasi si Bayani sa mga problemang kinakaharap ng mga Pinoy: “Mahal ang kuryente, tubig, mga pagkain at basic goods.”

Personally, I’ve known Bayani for as long as I can remember. Before hid eventual transfer to ABS-CBN ay sa GMA kami madalas magkita. Production assistant (PA) pa siya noon sa isang morning program.

Naging katrabaho namin si Len sa GMA who would later become his wife.

Kahit nasa kabilang estasyon na siya, we would bump into each other once in a while.

I can vouch for Bayani’s exemplary work ethic and integrity, such important qualities na dapat taglayin ng isang nasa serbisyo publiko.

‘Yun nga lang, if we know Bayani well enough, he gravitates towards a circle of showbiz alliies na may kakaibang political ideologies.

Harinawang huwag mag-rub off kay Bayani ang takbo ng pag-iisip ng isang aktor na identified sa kanya na nasa posisyon ngayon.

Truth be told, liability ni Bayani ang ma-associate sa aktor na ‘yon.

Need we say “da who”?

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *