Thu. Nov 21st, 2024
Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

📷Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

 

MISTULANG nabunutan ng tinik sa dibdib si Sen. Ronald “Bato “ dela Rosa nang marinig sa bibig ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kailangan munang dumaan sa korte ng Pilipinas ang anomang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) bago maisilbi sa kanila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang mga suspect sa kasong crimes against humanity.

Ang pag-amin ni Remulla ay ginawa sa kanyang pagdalo sa budget deliberation ng Senate Sub-Committee on Finance na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe  para ipagtanggol ang 2025 proposed budget ng DOJ.

Tinanong kasi ni Poe si Remulla kung ano ang kanyang posisyon ukol sa usapin ng warrant of arrest.

Agad namang sumagot si Remulla na hindi nlla pipigilan na magsagawa ng anumang imbestigasyon ang ICC subalt hindi sila makikipagtulungan dito.

Paglilinaw pa ni Remulla na maari din namang makusap o mainterview ng mga taga-ICC ang mga testigo sa pamamagitan ng video conferencing subalit nasa kanila nang mga diskarte at pamamaraan iyon.

Nagpapasalamat naman si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa naging pahayag na ito ng DOJ.

Ayon kay dela Rosa natutuwa siyang kayang ipagtanggol ng DOJ ang soberanya ng ating bansa pagdating sa usapin ng hurisdiksyon.

Idenepensa ni Remulla sa mga senador ang hinihinging 40.6 bilyong piso panukalag budget ng DOJ para sa 2025 na sa huli ay inaprubahan ng komite at napagkasunduan na ito ay irekomenda na para talakayin sa plenaryo ng senado. (NINO ACLAN)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *